Reflection #8

Tiwala.

Article: http://dharmawisdom.org/teachings/articles/trust-issues
Ang hirap magtiwala ngayon. Ang hirap hirap. Nagiging rare na ang mga taong pwedeng pagkatiwalaan sa mundo ngayon. Kahit ang sarili mo, hindi mo na napagkakatiwalaan. Meron kasing mga taong mukhang mapagkakatiwalaan ngunit hindi pala. Meron talagang akala mo siya na ang masasabihan mo ng lahat, ipagkakalat lang pala. Meron talagang mga taong akala mo okay na, sikreto niyo iyon, tapos yun pala biglang naging sikreto ng lahat. Trust is the most important thing in a relationship. Hindi mabubuo ang relasyon niyo kung walang trust. Kasi parang nagplaplastikan kayo. You trust your friends because you know them. Alam mo na ano ang mga kaya nilang gawin. Alam mo kung ano ang mga ugali nila kaya may tiwala ka sa kanila. Pero paminsan, ang mga akala mong kaibigan, ahas pala. Nagkakamali naman ang tao. Nagkakamali sa pagpili ng taong pagkakatiwalaan. Kaya kung magtitiwala ka, be careful.
Ayon kay Aling Baby, Ang tiwala ay parang power because it comes with great responsibility. Ang tiwala, katulad ng pasensya ay hindi nabibili sa pinakamalapit na suking tindahan. Hindi ito napapalanuhan sa mga palarong scratch to win, hindi rin nakikita sa likod ng tansan, o nahahanap sa loob ng supot paboritong chichirya.Malinaw na indi ito nakukuha ng ganun-ganun lang o kahit sa isang pitik lang. Pinaghihirapan ito, pinagta-trabahuhan ito at binibigyan ng importansya kase indi biro na ipagkatiwala ang tiwala. Pag ikaw ay pinagkakatiwalaan, ibig sabihin eh isa kang mapagkakatiwalaang tao. Kung gusto mong makuha ang pagtitiwala ng magulang, dapat matutunan mo rin ang mga bagay na gustu nila na gawin mo bilang isang anak. Ang pagiging masunurin at responsable. Oo nga, dapat na alagaan ng magulang ang kanyang mga anak pero tulad ng ibang magulang meron din silang goal na mapabuti ang mga ito kaya’t kailangang magdoble kayod. Kaya bilang anak, indi ba’t napalaking bagay kung indi ito magpapasaway at mas maigi kung tutulong pa ito sa gawaing bahay, mag-aaral ng mabuti, tutulong sa pag-aalaga sa mga kapatid at kayang pagkashahin ang baon na ibinibigay sa kanya. All in all, ang kapalit ng pagiging mabuting anak ay sandaang porshentong tiwala plus-plus-plus pa. Indi nga lang biro ang sakripisyo na ito pero believe me, it’s worth it. Sa kaibigan. Madalas, may mga personal na isyu tayo na mas nasasabi natin sa mga malalapit na kaibigan kesa sa pamilya. Na sila ang mas madalas na nakakakilala sa side na ito ng ating pagkatao. Kapag mas nakakapag-open up ka sa kanila, sandaang porshento ng tiwala ang ibinibigay mo sa kanila at alam mong ang mga ito ay seyp sa kanila at sila ang huling taong ie-expect mong maglalaglag sa’yo kahit sa gitna ng kagipitan. Indi biro ang tiwala na pwede mong ibigay sa kaibigan lalo na’t parang higit pa sa magkaibigan ang turingan n’yo. Sa ibang tao at ibang pagkakataon. Kung minsan, sa walang kadahilanan at pawang instinct lang…may mga tao kang makikilala na makakagaanan ng loob mo to the point na komportable kang sabihin ang mga personal na bagay sa buhay mo. Walang nagkaka-award ng Instant Tiwala, depende pa rin ito sa personalidad at sa paraan ng pakikisama bago mapagkatiwalaan. Malaking bagay kapag ikaw ay mapagkakatiwalaan. Ibig sabihin, nakikita ito sa personalidad at kapasidad na tumanggap ng mga ideya at opinyon ng may malawak na pang-unawa. Alam mo ang kahalagahan ng privacy ng ibang tao at itago ang ilang bagay na indi naman kailangang malaman pa ng iba. Alam mo rin ang limitasyon mo sa isang sitwasyon, kung kelan dapat at indi dapat na isali ang isang bagay sa sitwasyon kung saan alam mong ikaw lang ang nakakaalam kasi mawawala ang kredibilidad. Pag nangyari ito, pag-iisipan ka na ndi pala pwedeng ipagkatiwala sa’yo ang ilang bagay na ito kasi capable kang magsalita lalo na pag nagkaron kayo ng indi pagkakaunawaan ng taong yun na minsang naging malapit sa’yo. Ang tiwala katulad ng pakikipagrelasyon, para rin itong salamin. Indi ba’t maganda siyang makita na maayos at matiwasay sa kinalalagyan? Dahil sa oras na ito ay mabasag, indi na ito maibabalik pa sa dati kahit pa ano ang ipangdikit dito. Hindi dapat gawing biro ang paglalaro sa mga ganitong sitwasyon dahil ang mga bagay na ito kapag tuluyang nasira, para ka naring nasunugan. Lahat matutupok Walang ititira kahit isa. At kung maibabalik mo man ito, kakailanganin mo ng panahon. Maaaring maibalik man ito pero kulang na at indi na rin katulad ng dati. Kaya’t sana, wag nating iisantabi ang bagay na ito. Indi lahat ng oras magagawan ng paraan ng atorni mo ang lahat ng pagkukulang na nagawa at kaya ka nitong maabswelto. Minsan, kailangan mo ring harapin na sa totoong buhay, nasisira ang mga relasyon. Nagkakahiwalay ang mga matatagal na pagsasama. Nasisira rin ang matibay na samahan at lumilipas ang panahon na makakalimutan na rin ng mga ito na isang araw naging mahalaga ang mga taong ito sa buhay mo dahil na rin sa sariling kapabayaan. https://alingbaby.wordpress.com/2010/03/28/tiwala/
Iilan nalang sa kabataan ngayon ang mapagkakatiwalaan. Mabilang nalang ito. Kung gusto mong pagkatiwalaan ka ng iba, dapat hindi mo sila biguin sa maliit na bagay. Dahil ang hindi mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay, ay di mapagkakatiwalaan sa malaking bagay. Wag mong sinrain ang tiwala nila sayo. Huwag kang magtraidor.
Sa pagsira mo ng tiwala nila, masasaktan mo sila. May madidisappoint kang tao. Hindi lang siya ang lalayo sayo, kundi narin pati ang buong mundo kung malaman nila ito. Mahirap lumapit sa mga taong hindi mapagkakatiwalaan. Dahil sa lahat ng sinasabi mo sa kanila, maaaring ikalat niya ito o husgahan ka sa likod.
Huwag mong sirain ang tiwala ng isang tao sayo, malay mo darating ang karma. Mahirap nang ibalik ang tiwala sayo. Mahirap dahil magkakaroon ng trust issues.
Isa ako sa mga taong may trust issues. Nahihirapan na akong magtiwala. Ayoko kasi pagkatiwalaan ang mga taong di naman pala mapagkakatiwalaan. Ayokong dahil sa isang mali ko, makakalat ang aking sikreto. Ayokong mawala ang ‘sikreto’ sa sikreto ko. Kaya nga, iilan nalang ang nakakaalam ng sikreto ako. Iilan nalang ang sinsabihan ko. Iilan nalang ang pinagkakatiwalaan ko. Mahirap na, baka ako pa ang lugi.
Hindi naman kasi lahat ng bagay ipagkakalat at ipaalam sa lahat. May mga bagay talaga na dapata ng sarili mo lang ang nakakaalam. May mga bagay talagang, hindi para sa lahat. Hindi ka naman nagamamakasarili, sadyang ayaw mo lang sabihin dahil inaalagaan mo ito.
Para sa mga kabataan ngayon, hinay hinay sa paghanap ng mga taong pwedeng pagkatiwalaan. Baka matulad kayo kay Popocatepetl, matraidor ng isang maliit na animal.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s